Sunog sumiklab sa Women Crisis Center sa Zamboanga City

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Sumiklab ang sunog sa Women Crisis Center sa Zamboanga City Biyernes ng gabi.

Ayon kay Crisel Cose, administrative aide ng center, nagsimula ang apoy sa isang kuwarto sa ikalawang palapag pasado alas-8 ng gabi.

 

May narinig aniya silang pumutok at mabilis na lumaki ang apoy. Agad na dumating ang mga bombero at naiwasang kumalat ang apoy sa unang palapag.

Wala namang nasaktan sa insidente matapos mailikas ang 19 na babae na nasa loob ng center. Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog.

Ang Women Crisis Center ng City Social Welfare and Development Office ay nangangalaga ng mga batang babae na naging biktima ng pang-aabuso o nagkakasala sa batas. – Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *