Army officer na pinaniniwalang COVID-19 infected, pumanaw na

0
401

COVID-19 Infected

Pumanaw na ang isang Army officer na pinaniniwalang infected ng COVID-19
Si Army 2LT Vince Magbanua ay ideneklarang dead on arrival sa Norzagaray Municipal Hospital kahapon matapos makaranas ng severe breathing difficulty. Mababatid na una nang nadiagnose si Magbanua ng acute bronchitis at pinayuhang bumalik sa kanilang barracks sa doon magpagaling at sumailalim sa self-quarantine.

Ayon naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, hindi pa sila nakakatanggap ng report na magkukumpirma kung talaga bang positibo si Magbanua sa COVID-19. Sa kabila nito, sinimulan na ng AFP ang contact protocols at contact tracing sa 48th Infantry Battalion bilang bahagi ng precaution. Samantala, nakiramay naman ang AFP sa pamilya ng naturang opisyal.

“We extend our sincerest condolences to the family and friends of 2LT MAGBANUA, a member of PMA “Alab Tala” Class of 2018. He is looked up to by his superiors, peers, and subordinates for his dedication, commitment, and idealism,” the AFP official said.

 

Source: Brigadanews

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here