Bilang ng gumaling sa COVID-19, mas madami kaysa nasawi sa bagong ulat ng DOH

0
665

Iniulat ng Department of Health nitong Miyerkules na 182 na ang nasawi sa COVID-19 matapos na madagdagan ng lima. Umangat naman sa 96 ang bilang ng mga gumaling matapos na madagdagan ng 12.

Kasabay nito, inihayag ng DOH na umabot na sa 3,870 ang listahan ng mga Pinoy na nagpositibo sa virus matapos na makapagtala ng 106 na panibagong kaso.

Una rito, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, spokesman ng COVID-19 Task Force, na hindi pa tapos ang laban ng bansa sa COVID-19 matapos ang tatlong linggong Luzon-wide enhanced community quarantine, na pinalawig pa hanggang sa katapusan ng Abril.

Pero sinabi ng opisyal na nakasalalay ang pasya kung aalisin na ang ECQ pagkatapos ng Abril 30 sa magiging resulta ng isasagawang malawakang COVID-testing at magiging kalagayan ng healthcare system sa bansa.

Source: GMA NEWS, Chika Tayo

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here