Katotohanan sa buhay ng Bilyonaryong si Francis Leo Marcos

0
1861
Francis Leo Marcos

Sino ba talaga si Francis Leo Marcos? Ang bilyonaryong ito ay nakilala nang ang kanyang “Mayaman Challenge” ay kumalat na parang virus sa YouTube at Facebook noong mga nagdaang linggo.

Si Francis Leo nga ba ay isang Marcos? May ilang mga larawang nagpapakitang kasama ni Francis Leo ang dating First Lady Imelda Marcos. Subalit may isang kasapi ng Romualdez-Marcos Clan ang nagsabing hindi nila kasapi si Francis Leo, at hindi siya isang Marcos. Isa ba siyang impostor?

Bagong Bayani ng mga Mahihirap na Pinoy: Francis Leo Marcos

Ang bilyonaryong negosyanteng ito ay hindi kilala ng maraming Pilipino hanggang sa siya ay naging pinakabagong Facebook at YouTube sensation. Ito ay nang sinimulan niya ang kanyang “Mayaman Challenge”, kung saan hinihikayat niya ang iba pang mga mayayaman at mga kilalang personalidad na lumabas sa kani-kanilang pamamahay. Ito ay upang tulungan ang mga nagugutom na mga Pilipino sa Metro Manila na labis na apektado sa lockdown na ipinatupad ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sino ba si Francis Leo Marcos

Para simulan ang kanyang Mayaman Challenge, pagkatapos sigurong mabagot sa pagka-quarantene sa loob ng kanyang bahay sa Metro Manila, si Francis Leo Marcos ay lumabas sakay ng kanyang magarang sasakyan. Ito ay habang nagbibigay ng mga komentaryo habang nagmamaneho, at hinihikayat ang mga mayayaman sa loob ng Green Meadows Subdivision kung saan siya nakatira na ibahagi ang kanilang milyones. Habang minamaho ang sariling kotse, pinapakita rin niya ang ilan sa mga bahay ng mga mayayaman.

Kasama sa kanyang chalenge ang pagbili ng 500 sako ng bigas upang ipamigay sa mga mahihirap na komunidad sa Payatas. Ang Payatas ay isa sa mga baranggay ng 2nd District sa Quezon City, Metro Manila, Philippines. Daan-daan o libu-libong mga mahihirap na Pilipino ang matatagpuan sa baranggay na ito.

Ilan sa mga kilalang blogger at residente ng Metro Manila ang tumugon sa panawagang tulungan ang mga mahihirap at mga arawang kumikita na labis na apektado ng lockdown. Kasama rito ang mga nagtatrabaho sa maliliit at medium size na mga kumpanya, tsuper ng mga pampasaherong dyip, tsuper ng mga pedikab, mga tindero, mga nangmamalimo sa mga kalsada ng Metro Manila, at lahat ng mga pamilyang kasama sa kinikilalang pinakamahihirap sa mga mahihirap, na walang paraan upang suportahan ang kani-kanilang pamilya at umaasa lamang sa ayuda ng gobyerno para sa kanilang pangaraw-araw na pagkain.

Inaasahan na ito ng gobyerno, kaya naglaan ang Pangulong Duterte ng 200 milyon pisong government funds upang tulungan ang mga apektado ng krisis na hindi kayang bumili ng kanilang pangangailangan.

Ngunit ang mga araw ay naging linggo, at ilan pang linggo ang dumaan, ang tumitinding pangangailangan ng ayuda sa pagkain ay lalo pang naging maingay na isyu sa mga lugar ng mga mahihirap at low income earners sa Metro Manila.

Nangako si Francis Leo Marco na gagamitin ang kaniyang 20 milyon pisong liquid asset upang tulungan ang mga mahihirap na Pilipino, at nasimulan ito sa 500 sakong bigas. Ngunit ilan sa mga mayayamang tao sa Metro Manila ay nagsimula na ring tumugon sa kanyang challenge, at nasibilihan ng mga grocery items at saku-sakong bigas na ipamimigay sa mga mahihirap na mga mamamayan ng Metro Manila.

“Ipinagpapasalamat kong ilan sa mga mayayamang tao sa Manila ay tumugon sa aking hamon. Sana, ang iba pang mga taong mayayaman ay hindi mananatiling tahimik sa gitna ng Coronavirus Pandemic na ito. Hinihikayat ko silang lumabas at ipamahagi ang kanilang mga milyones sa mga mahihirap. Ito ang tamang pagkakataon,” sabi niya.

READ ALSO : Katotohanan sa buhay ni Francis Leo Marcos ayon kay Xian Gaza

Bagong Bayani ng mga Mahihirap

Ngayon, narito na ang bagong bayani ng taumbayan – Francis Leo Marcos aka Norman Mangusin. Bakit nga ba siya may bagong pangalan?

Bilyonaryong si Francis Leo Marcos nangakong  Magbibigay ng 20 Milyon para Labanan ang COVID-19 at Tulungan ang mga Mahihirap

READ ALSO : Sagot ni Francis Leo Marcos na siya ay gumamit ng Pekeng Pangalan

Pinagpapatuloy ng bilyonaryong si Francis Leo Marcos ang pagbubuhos ng tulong para sa mga mahihirap na Pilipino. Nakapagpamigay na siya ng libu-libong sako ng bigas sa Payatas, Cagayan Valley at Metro Manila bilang tugon sa panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno.

Narito na ang Bayani ng mga Mahihirap na Pilipino

Bagamat binura ng Facebook ang orihinal na Mayaman Challenge videos ni Francis Leo Marcos, ang ilang mga netizens at bloggers ay nakapagtago ng mga kopya at pinost sa YouTube.

Ang pinakabagong Facebook at YouTube sensation sa gitna ng krisis sa Coronavirus ay inaakusahan ang ilan sa mga homeowners sa Green Meadows Subdivision na maaaring may kinalaman sa pagkabura ng kanyang video sa Facebook. Ito ay dahil hinikayat niya silang lumabas sa kani-kanilang mga bahay at gamitin ang kanilang mga milyones para tulungan ang nanganganib na mga Pilipinong apektado sa lockdown. Ito’y matapos umabot sa higit ilang daan ang namamatay sanhi ng virus.

“Pinadelete nila ‘yung video sa Facebook. Bakit? Naarito tayo ngayon at tumutulong. ‘Yung video merong 200,000 na views kasi napakaraming nagugutom na nangangailangan ng tulong,” sabi niya.

Sa kanyang pag-anunsyo na ilalaan niya ang kanyang 20 milyon pisong halaga ng liquid asset para tulungan ang mga Pilipino, ang kanyang FB messenger ay binaha ng mga taong humihingi ng tulong. Nahihirapan at gutom, ang mga netizen ay bumaha sa kanyang FB messenger mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Pinupuri nila ang kanyang kabayanihan, at bilang unang mayamang nagpakita ng kusang-loob na pagtulong sa gobyerno sa pamamagitan ng pamimigay ng saku-sakong bigas upang makaraos sa krisis.

Nang mabura ang kanyang Facebook post matapos niya mag-live, pinayuan si Leo na magtago ng kopya ng mga videos niya sa YouTube na siya rin naman niyang ginawa.

Sa loob lamang ng isang linggo, umabot na sa kalahating milyon ang mga bagong subscribers ni Francis Leo Marcos sa YouTube. Ito ay mga aktibong Filipino fans. Kaya ang dating hindi kilalang negosyante sa Metro Manila ay biglang naging isang YouTube sensation. Tinignan namin ang kanyang YouTube channel, at kasalukuyan nang mayroong 573,000  subscribers si ginoong Marcos.

Sa ngayon, ang kanya ring mga videos ay binabaha ng mga comments at nagiging viral, at ang mga tao ay patuloy na nagbubuhos ng kanilang papuri para sa bayani ng taumbayan.

Nagalit din si Marcos sapagkat ang kanyang dalawang trak na puno ng bigas ay hindi pinayagang makapasok sa subdivision. Ang kanyang mga trabahador ay kinailangang mano-manong ilipat ito sa kanyang bahay. Ang mga saku-sakong bigas na ito ay siya dapat na unang batch galing sa Nueva Ecija at dadalhin sa Payatas.

Si Francis raw ay Mayabang

Ang iba ay tinatawag siyang “lodi”, subalit ang iba ay tinatawag naman siyang “mayabang”. Pero sabi lamang ni Marcos na ito ay ang kanyang pagkatao. Maaaring tinatawag siyang mayabang dahil iniisip ng iba na siya ay nagyayabang ng kanyang yaman sa pamamagitian ng pamimigay sa mga mahihirap, sa mga kumikita ng maliit kada-araw, at sa mga apektado ng lockdown at umaasa na lamang sa ayuda ng gobyerno para sa pagkain.

“Hindi na mahalaga kung pinagyayabang ko man ang aking pagtulong. Ang akin lang, sana magising ang mga mayayaman na kailangan nating kumilos. Tayong mga nakakaangat sa buhay. Hindi na ito kakayanin ng gobyerno lang. Mga pulitikong mayayaman, magsilabas na po kayo. Ito na ang pagkakataong magtulungan tayong lahat para sa mga taong labis na apektado sa lockdown na dulot ng pandemic,” sabi pa niya.

ALSO READ : Kilalanin ang Napakagandang Asawa ni Francis Leo Marcos

Ang mga Mayayamang Tumugon sa kanyang Hamon

Simula nung inumpisahan ni Francis Leo Marcos ang kanyang Mayaman Challenge, marami nang mga mayayamang pamilyang tumanggap sa kanyang hamon at namigay ng saku-sakong bigas at mga groceries. Maging ang mga small-time YouTubers at ordinaryong mga mamamayan ay gumawa rin ng paraan upang makipagbigay kahit sa maliit na paraan.

Like and Share Trending News Today!

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here