Carlo Aquino may Girlfriend na Napakaganda at Modelo

3
722

Ang 34-taong gulang na aktor na si Carlo Jose Liwanag Aquino o mas kilala ng publiko bilang si Carlo Aquino ay unang nagsimula sa kanyang karera sa showbiz taong 90’s at patuloy pa rin ang kanyang karera sa industriya hanggang sa kasalukuyan.

carlo aquino
Photo Credit: carloholix_official/Instagram

Una siyang nakilala bilang lead singer ng noo’y banda na JCS, kung saan ay kagrupo niya rito sina John Prats at Stefano Mori. Nakilala rin siya noon bilang isa sa magagaling na batang aktor ng ipakita niya ang hindi matatawaran galing niya sa pag-arte sa pelikulang “Bata, bata… Paano ka Ginawa?”, kung saan ay kasama niyang bumida rito ang beteranang aktres na si Ms. Vilma Santos.

Ilan din sa mga kilalang kaedaran niyang actress noon ang na-link kay Carlo Aquino, isa na dito ang noon ay ka-loveteam niya at naging kasintahan na si Angelica Panganiban na matapos nilang maghiwalay ay nagpatuloy naman ang kanilang magandang pagkakaibigan.

carlo aquino

Maging sino Camille Prats at Maja Salvador, ay nabalita rin na idine-date noon ng aktor. Matatandaan naman na noong 2018, ay muling nagsama sa isang proyekto sina Carlo Aquino at Angelica na kung saan ay muling naging usap-usapan na nagkabalikan muli ang dating magkasintahan.

carlo aquino

Samantala noong October 7, 2019 sa isang panayam kay CarloAquino sa “Tonight With Boy Abunda” inamin nito na siya ay nasa isang relasyon na at ang kanyang nobya ay ang magandang modelo na si Trina Candaza.

Matapos ang naging pag-amin na ito ng aktor, ay isinapubliko na niya sa kanyang social media account ang mga larawan nila ng nobya kung saan ay marami ang nagulat na mga netizens na hindi napigilan ang magbigay ng mga reaksyon at komento nila.

Sa pangyayaring ito na pag-amin ni Carlo Aquino, hindi naman nawala ang mga nang-bash sa aktor na nagsabi pa na iniwan niya sa ere ang kanyang co-artists na si Angelica Panganiban. Ilan pa nga sa mga millennials ang nagsabi na naging “paasa” ang aktor.

October 26 naman ng ang mismong nobya ni Carlo Aquino na si Trina ay magbahagi na rin ng kanilang mga sweet photos ng aktor sa kanyang social media.

Marami naman ang nagpa-abot ng kanilang kasiyahan para sa aktor at sa pagiging masaya nito sa buhay pag-ibig kasama ang nobya nitong si Trina, ngunit may ilan pa rin na hanggang ngayon ay hindi nakakapagmove-on sa kinahantungan ng pagsasamang muli nina Anglica at Carlo Aquino.

Source: Ptama

Related Articles: Sunshine Cruz

                         Yorme Isko

Facebook Comments

3 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here