DSWD Cash Assistance, sisimulan na ang distribusyon

0
763
dswd cash assistance

DSWD Cash Assistance ibibigay na!

Inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na sisimulan na ngayong araw ng Deparment of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng tulong mula sa P200-billion Emergency Subsidy Program ng gobyerno.

Ayon sa pamahalaan, pangungunahan ng mga Opisyales ng DSWD ang pamamahagi sa Dagupan St. Tondo Manila mamayang alas-2:30 ng hapon habang meron ding pamamahagi ng nasabing ayuda sa barangay Vitalez, District 1 ng Parañaque city mamayang alas-3:30.

dswd cash assistance

DSWD Cash Assistance para sa COVID

Inaasahang darating si National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Peace Process Secretary Carlito Galvez sa gagawing pamamahagi ng Social Amelioration Program

Bukod sa Maynila at Parañaque ay sinabi ni Nograles na inaasahan na nilang susunod ang iba pang mga lugar sa mga darating na araw sa distribusyon ng ayuda.

Nakiusap naman ang gobyerno sa publiko na hintayin ang pakikipag-ugnayan ng mga naatasang kawani kaugnay sa ipatutupad na sistema para sa maayos na pamamahagi ng tulong.

Kamakailan ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na layon ng Emergency Subsidy Program na bigyan ang 18-milyong target beneficiaries ng pinansyal na ayuda.

Samantala, sinabi rin ni Nograles, na sisimulan na rin ngayong araw ang pagpasok ng pera sa card ng mga benepisyaryo ng 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Hiniling ni Nograles sa mga benepisyaryo na maghintay ng abiso upang maiwasan ang kumpulan sa mga bangko.//RAMAK KOWSARI

More News Update Visit ask2use.com 

Source: https://www.brigadanews.ph/article/national/DSWD%2C-sisimulan-na-ang-distribusyon-ng-financial-assistance

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here