Governor Jonvic Remulla, desididong ipakulong ang mga nahuling nagsabong sa Cavite nitong Holy Week

0
274

Pinaiiral din ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang batas.

Merong isang tumutugis sa mga nagpasabong o nagpatupada sa mga sementeryo naman ng Cavite kahapon, Abril 10, Biyernes Santo.

Hindi nangimi si Remulla na pasampahan ng kaso at ipakulong ang mga nahuling nagsasabong sa apat na bayan ng lalawigan ng Cavite.

Nagbitaw na ng salita si Remulla na hindi siya puwedeng pakiusapan ng mga dinakip na alipin ng bisyo.

Seryoso raw siya sa pagpapatupad ng mga ordinansang may kinalaman sa coronavirus pandemic. 

“Ako po ay mahirap pakiusapan sa mga bagay na ito,” babala ni Remulla sa kanyang Facebook post nitong Black Saturday, April 11.

Jonvic Remulla

“Ngayon na panahon ng Covid, na may quarantine, na bawal ang sabong, ay ngayon ninyo pa ako susubukan.

“I have given strict instructions that all caught in illegal gambling will be immediately put on inquest.

“Ibig sabihin, kulong na hanggang dumating ang hukom sa kanyang opisina.

“Kung swertihin baka gitna ng Mayo ay bago umpisahan ang hearing para sa bail.

“Pasensya na at nakapila kayo sa iba pang mga kaso.”

Ito ang listahan ng gobernador ng mga residente ng bawat bayan sa Cavite na hindi sinunod ang social distancing rule at hindi pa iginalang ang kuwaresma sa mismong araw ng Biyernes Santo. –Jonvic Remulla

1. Trece Martires City

– 6 arrested

– 2 live fighting cocks, 2 dead –

2 pcs of gaff (tari)

– betting money of P1,300 as evidence

2. Maragondon –

6 arrested

– 3 live fighting cocks

– 2 pics of gaff (tari)

– P5,510 in betting money

3. Tagaytay

– 10 arrested

– 3 live fighting cocks

– 4 pieces of gaff (tari)

– P 800 betting money

4. Alfonso

– 4 arrested

– 2 live fighting cocks

– P1,250 betting money

Sa huli, iginiit ni Remulla na huwag nang subukan ng mga hinuling makipag-areglo dahil desidido siyang ipakulong ang mga lumabag sa batas. –Jonvic Remulla

“Huwag na po kayo lumapit kahit kanino pa man para sa areglo.

“Sa kulungan muna sila, kasama ang mga common criminal.

“100 to a room, 1 toilet, 50-square meters. Shifting ang pagtulog.

“Sana po maging silbing leksyon para sa lahat,” paalaala ni Remulla sa kanyang mga kababayan sa Cavite. –Jonvic Remulla

SOURCE: MSN, SkyNewsWire

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here