Kulang daw ang 6K sabi ng Miyembro ng Kadamay, hiling nila gawing 10K kada linggo

1
3268

Matapos ipatupad ng pamahalaan ang programang social amelioration program ay agad naman itong naipamahagi sa ilang mga Pilipino.

Kulang daw ang 6K sabi ng Miyembro ng Kadamay

Ang SAP ay tulong-pinansyal ng gobyerno habang nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine ang bansa dahil sa COVID-19.

Ngunit matapos maipamahagi ito sa ilang mga residente ay nagrereklamo ngayon ang ilang miyembro ng Kadamay sa Negros Occidental na kulang ang P6,000 para sa isang buwan nilang pagkain.

Photo courtesy: facebook.com/MrAdrianPrietos/

Sa Facebook live na ibinahagi ni Adrian Prietos, isang reporter, nakapanayam niya ang ilang miyembro ng Kadamay kung saan naglabas sila ng saloobin tungkol sa ipinahaging tulong ng gobyerno.

6 MIL PESOS NGA AYUDA SANG GOBYERNO, KULANG SUNO SA PILA KA MGA RESIDENTE.#GMARegionalTV#OneWesternVisayas

Posted by Adrian Prietos on Tuesday, April 7, 2020

Ayon kay Leonilo, isang tricycle driver, kulang na kulang umano ang ayudang P6,000 kada buwan. Ang pera umanong iyon kay kasya lamang para sa isang linggo.

Kaya naman panawagan niya sa pamahalaan na kung maaari gawin itong P10,000 ng gobyerno upang maging sapat para sa kanyang pamilya.

Saad niya, nagrereklamon na daw ang kanyang anak dahil puro na lamang sardinas ang kinakain nila at nangangamoy sardinas na daw sila.

Bukod pa rito, sang-ayon rin rito ang ibang matandang babae. Aniya, kulang umano talaga ang perang ipinamahagi ng gobyerno sa kanila.

Sana man daw ay gawin itong P10,000 o P12,000. Saad ni Nanay, ang P6,000 ay pang bigas at ulam lang at hindi na sila makakapagkape pa.

kadamay

Photo courtesy: facebook.com/MrAdrianPrietos/

Kaya kung mararapatin ay sana daw dagdagan pa ito ay gawing kada linggo.

Source : Filipino Clip, Mr. Prieto

Facebook Comments

1 COMMENT

  1. Baw ah. Pila gid ma income ya bilang tricycle driver kada adlaw or kada semana masobra gid 6k? Maayo gali byahihay da. Kami 4 kami pero maka igo man lang ang 200-300 per day ilabi na gid sa tagsubong nga tiempo nga naka stay at home.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here