Mola-mola, napadpad sa Dalampasigan ng Sarangani Bay!

0
257
Mola-mola, napadpad sa Dalampasigan ng Sarangani Bay

Mola-mola, napadpad sa Dalampasigan ng Sarangani Bay!

Mola mola sa Sarangani!

Malapatan, Sarangani – Isang malaking klase ng isda ang napadpad sa Dalampasigan ng Prk. 1 Brgy. Sapu Padido ng Bayan.
Ayon sa isang miyembro ng Bangsamoro Communication Network Inc. Socsargen Chapter na si Abdul Manap Manalao, napansin nila ang isda ala-1 ng hapon.


Buhay pa daw ito ng unang makita at sinubukan pa nilang ibalik sa dagat pero bumabalik ito sa Dalampasigan.
Hanggang sa binawian na ng buhay ang isda. May lapad umano itong 1 metro at laki na 1 metro at kalahati.
Inilibing nila ang isda malapit sa dagat. Ayun sa Coastguard Malapatan, maaaring isang Ocean Sunfish o Mola-Mola ang isda na napadpad sa kanila.

Ito raw ang kauna-unahang may napadpad na malaking uri ng isda sa kanilang Barangay.
Makikipag-ugnayan ang Coastguard sa Environmental Conservation and Protection Center ng Sarangani para malaman kung bakit napadpad ang isda sa Dalampasigan ng Sarangani Bay.

Mola-mola, napadpad sa Dalampasigan ng Sarangani Bay!Malapatan, Sarangani – Isang malaking klase ng isda ang napadpad…

Posted by TV Patrol South Central Mindanao on Saturday, April 11, 2020

May Chika ka ba? Share na sa Ask2use!

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here