Mommy Dionisia Ipinakita Ang Bahay Na Ibinigay Ni Manny

0
917

Bahay ni Mommy Dionisia Ipinakita niya sa Vlog ni Jinkee!

Kasabay ng pagbulusok ng karera sa boxing ni Manny Pacquiao ay ang pagsikat din sa showbiz ng kanyang ina na si Dionisia Pacquiao. Sa katunayan, may palayaw na nga na “Mommy D” si Mommy Dionisia at may mga commercials pa nga ito. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang respeto at pagmamahal ng people’s champ sa kanyang ina kaya naman pinatayu-an niya ito ng sariling bahay sa General Santos City.

mommy dionisia

Image: Jinkee Pacquiao / Youtube

Sa isang video naman sa Youtube channel ni Jinkee ay nagpaunlak si Mommy Dionisia ng house tour sa bahay na bigay sa kanya ni Manny. 

Pagpasok ay makikita kaagad ang  living room kung saan makikita ang samu’t-sari niyang koleksyon ni Mommy Dionisia. Mula sa mga figurine, mga magnets na mula pa sa iba-ibang bansa, mga dating laruan ng mga anak ni Manny, at pati na rin ang mga ticket sa mga naging laban ni Manny.

mommy dionisia

Image: Jinkee Pacquiao / Youtube

Makikita talaga na bilang isang ay proud na proud si Mommy Dionisia sa mga na-achieve na ng kanyang mahal na anak.

Sunod namang ipinakita ni Mommy Dionisia ang kanyang simpleng kwarto kung saan sinabi niyang ang mosquito net ang pinaka importanteng bahagi nito dahil proteksyon niya ito laban sa lamok. Pula naman ang kulay ng kanyang kama dahil paborito niya itong kulay.

mommy dionisia

Image: Jinkee Pacquiao / Youtube

Pinakita rin ni Mommy D ang isang kwarto kung saan nakalagay ang kanyang mga “dancing shoes”. Ayon pa sa kanya ay hindi na niya nasusuot ang mga ito dahil sumasakit na ang kanyang mga paa kaya naman nagsisilbi na lamang ito na remembrance niya sa nga panahong nakakapagsayaw pa siya.

mommy dionisia

Tandang-tanda parin ni Mommy Dionisia ang isang pares ng sapatos na ibinigay pa sa kanya ni Jinkee ng minsan silang nagsama at nag-shopping sa ibang bansa.

Mapapanood ang buong house tour video dito:

Source: Filtimes

Related Articles: Sophy Ron Batang Basurera

                        Jinkee at Manny Pacquiao

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here