DOLE Naglabas Na Ng Listahan Ng Mga OFW Na Pasok sa 10k Cash Assistance At Mga Bansang Prayoridad

0
3253

Abril 8- Naglabas na ng guidelines ang DOLE sa Php10,000 cash assistance para sa mga OFW. Ito ay ibibigay bilang tulong sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

10K cash assistance para sa mga OFW

Guidelines
Nauna ng nagpahayag ang DOLE na bibigyan ng one-time cash assistance ang mga apektadong OFW. Nagkakahalaga ito ng Php10,000 o halos $200. Ngunit dahil hindi agad naglabas ng guidelines ay marami sa mga OFW ang nalito.

DOLE Naglabas Na Ng Listahan Ng Mga OFW Na Pasok sa 10k Cash Assistance At Mga Bansang Prayoridad 2
Noong Abril 8, nagbigay na ng memorandum ang DOLE ukol dito. Ang ayuda ay matatanggap sa ilalim ng kanilang programa na DOLE-AKAP. Ayon kay Secretary Silvestre Bello III, ang mga regular o documented OFW na pasok sa 2016 Revised Philippines Overseas Employment Administration (POEA) Rules and Regulation ang mabibigyan ng ayuda.

“Regular or documented OFWs are those who possess a valid passport and appropriate visa or permit to stay and work in the receiving country; and whose contract of employment has been processed by the POEA or the POLO.”

DOLE Naglabas Na Ng Listahan Ng Mga OFW Na Pasok sa 10k Cash Assistance At Mga Bansang Prayoridad 3
Pasok din sa mga bibigyan ng ayuda ang mga undocumented OFW kung sila ay dating ng regular o documented ngunit sa kung anong rason ay natanggal ang kanilang regular o documented status.

“Also included in the program are those who are not registered with the POEA or whose contracts were not processed by POEA or the POLO, but have undertaken actions to regularize their contracts or status; or whose are not registered with the POEA or whose contracts were not processed by POEA or the POLO, but are active OWWA member at the time of availment.”

Paglilinaw
Kasama rin ang mga balik-manggagawa na hindi na nakabalik sa bansang pinagtatrabahuhan dahil naipit na sa lockdown. Pati rin ang mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na lockdown sa bansang pinapasukan. Ang mga OFW na nahawaan ng COVID-19 ay kasali sa bibigyan ng cash assistance.

DOLE Naglabas Na Ng Listahan Ng Mga OFW Na Pasok sa 10k Cash Assistance At Mga Bansang Prayoridad 4
Ngunit pagkaklaro ni Bello, yun lamang mga hindi pa nakakatanggap ng kahit anong pinansyal na ayuda mula sa bansang pinapasukan ang kwalipikado sa nasabing cash assistance.

“They must be still at overseas jobsites, or in the Philippines as Balik-Manggagawa, or already repatriated to the Philippines; and must not received any financial support/assistance from the receiving countries employers.”

Prayoridad na bansa
Dagdag pa ni Bello, depende sa bansang pinagtatrabahuhan ng isang OFW kung siya ay magiging prayoridad o hindi. Ang mga bansang uunahin ay iyong mga may opisina ng POLO  o kaya naman ay mga bansang lubos na apektado ng COVID-19.

Ang mga OFW sa Bahrain, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Libya, Oman, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia, at United Arab Emirates ay prayoridad ng DOLE.

DOLE Naglabas Na Ng Listahan Ng Mga OFW Na Pasok sa 10k Cash Assistance At Mga Bansang Prayoridad 5
Sa Asya at Pacific, prayoridad din ang mga OFW sa Australia, Brunei, Hongkong, Japan, Korea, Macau, Singapore, Taiwan, Malaysia, at New Zealand.

Para naman sa mga OFW sa Europa at America, prayoridad din sila kung sila ay nasa bansang Canada, Cyprus, Italy, Germany, Greece, Spain, Switzerland, United Kingdom of Great Britain, at United States of America.

Mag apply sa POLO at OWWA
Upang makatanggap ng cash assistance, kailangan mag-apply sa Philippine Overseas Labor Office ang isang kwalipikadong OFW. Kung nasa Pilipinas naman, sa OWWA Regional Offices kailangan mag apply.

Asahan sa mga susunod na araw ang paglabas ng POLO, OWWA, at DOLE ng detalye para sa mga dadalhing requirements sa pag aapply.

Source: DOLE

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here