OFW Remittances : $5-B posibleng matapyas dahil sa COVID-19

0
705
ofw remittance
ofw remittances

OFW Remittances : Posibleng abutin ng $5 bilyon ang mabawas sa ipinadalang pera sa bansa ng mga overseas Filipino worker dahil sa COVID-19.


Ayon kay House and Ways Committee Chairman Joey Salceda, posibleng dalawa o tatlong taon pa ang aabutin bago manumbalik sa normal level ang remittances.


Ito aniya ay dahil karamihan sa mga OFW na may malaking sahod ay nasa karagatan at nakasalalay sa turismo at global trade na ngayon ay napilay ng husto.

Dahil sa inaasahang bulto ng mga OFW na uuwi sa bansa sa oras na humupa ang krisis, inihirit din niya ang PHP20 billion assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Labor and Employment upang ipangtulong sa mga OFW at kanilang mga pamilya.

Ani Salceda, mas mabuti nang masiguro ang kakainin ng mga OFW families kaysa lumabas sila ng bahay upang maghanap ng makakain.

Isa ka ba sa pamilya na maapektuhan ng OWF Remittances?

Source: https://www.brigadanews.ph/article/national/%27%245-B-posibleng-matapyas-sa-OFW-remittances-dahil-sa-COVID-19%27

DSWD Cash Assistance, sisimulan na ang distribusyon

Inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na sisimulan na ngayong araw ng Deparment of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng tulong mula sa P200-billion Emergency Subsidy Program ng gobyerno. Ayon sa pamahalaan, pangungunahan…

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here