Patok na Bahay Ngayon sa Halagang 150K Pesos Lamang

0
1049

Isa sa mga pangunahing karapatan ng isang tao ang magkaroon ng maayos, komportable, at magandang bahay. Ngunit, masakit mang isipin ay hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makamtan ito. Pero, ang maybahay na si Chang Agbon Villacuer Alipio kasama ang kanyang asawa ay hindi nagpatinag sa kahirapan at piniling magsumikap para makapagpatayo 150K Pesos ng simple pero komportable at magandang bahay para sa kanilang pamilya.

Ayon sa kanyang post sa isang group sa Facebook, mahigit kumulang 150K pesos daw ang kanilang nagamit para maipatayo ang kanilang pangarap na bahay. Sa mahal ng materyales ngayon, paano ba nila napagkasya ang ganitong halaga? Basahin ang kanyang kwento sa ilalim.

150k pesos

Imahe: Chang Agbon Villacuer Alipio/Facebook

Ayon sa kanya, ang asawa niya ay nagtatrabaho sa isang gas station at unti-unti lamang nilang pinatayo ang kanilang bahay sa halagang 150k pesos. Una raw ay nagpagabas sila ng kahoy, bumili ng para sa bubong, hollow blocks at semento hanggang sa mapatayo nila ang nasabing bahay.

150k pesos

Ang sukat nito ay umaabot sa 22×24 feet. Kalahati nito ay naka-konkreto at ang kalahati naman ay gawa sa kahoy.

Ito ang harapan ng bahay.

150k pesos

Ito naman ang sala ng bahay kasama ang pintuan papunta sa dalwang kwarto. Naka-tiles naman ang sala at ayon pa kay Alipio ay pinili nila ang murang klase ng tiles dahil gipit din sa budget.

150k pesos

150k pesos

Ang kusina naman nila kahit simple lang ay maayos naman ang pagkakagawa at malapad din ang espasyo. Sa gilid nito ay makikita rin ang maliit na dirty kitchen.

150k pesos

150k pesos

150k pesos

Ang kanilang kwarto naman ay malapad din ang espasyo at ang kama ay nasa lapag para na din sa kaligtasan ng kanilang maliliit pa na mga anak.

150k pesos

Sa huli naman ay nagpasalamat si Alipio sa mga pumupuri at nakaka-appreciate ng simple nilang bahay na nagkakahala ng 150k pesos. Kanya ring sinabi na para sa mga gustong magkabahay, walang imposible dahil kahit ano man ang gustuhin ay tiyak na magagawan ng paraan.

Source: Filtimes

Related Articles: Sophy Ron Batang Basurera

                        Jinkee at Manny Pacquiao

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here