PULIS OFFICER MULA SA DAVAO CITY PATAY SA PAMAMARIL SA BAYAN NG ISULAN

0
951
DAVAO CITY

DEAD ON ARRIVAL sa isang pagamutan sa bayan ng Isulan Sultan Kudarat ang isang opisyal ng Provincial Internal Affairs Service (PIAS) ng Davao del Sur, RIAS 11 matapos itong tambangan ng hindi nakilalang mga gunman alas 4:42 nayong hapon (April 15, 2020) sa bahagi ng Pama Boarding House, Purok. Riverside, Barangay. Sampao, Isulan, Sultan Kudarat. -Davao City

Sa esklusibong panayam ngayong gabi kay P/LtCol. Modesto Carrera, ang hepe ng Isulan MPS, kinumperma nito na ang biktima ng pananambang ay si PMAJ Victorino Sanoria Pansoy,isang police officer at naka assigned sa Provincial Internal Affairs Service (PIAS) ng Davao del Sur , RIAS -11. -Davao City

DAVAO CITY

Sa salaysay ni P/Lt Col. Carrera habang menamaneho ni Major Pansoy ang kanyang kulay pulang Toyota Hilux na may plate number LAA 8902 at sakay ang kanyang may-bahay at isang taong gulang na anak ng bigla pinaputukan ng hindi nakilalang mga suspek ang driver side ng sasakyan ng mga biktima. -Davao City

Naisugod pa ng rumesponding kawani ng Isulan Emergency Rescue Team ang pulis opisyal ngunit binawian din ito ng buhay. -Davao City

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa harapang bahagi ng katawan nito si Major Pansoy na siyang sanhi ng kanyang kamatayan. -Davao City

Nagpag alaman na naka distino din dati si Major Pansoy sa Maguindanao PIAS at sa Sultan Kudarat PIAS office.

DAVAO CITY

Sa ngayon ay isang close door meeting ang isinagawa ng Sultan Kudarat PPO at ang mga imbestigador na nagsasagawa ng imbestigasyon sa pananambang sa nasabing opisyal. -Davao City

-MAX FM

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here