SIKAT NOON, ORDINARYO NA LANG NGAYON!

0
2112

Mahirap ang buhay artista. Ang kasikatan ay hindi panghambuhay.. Well, depende naman talaga yan sa isang artista eh. Kung sisikat ka, talagang sisikat ka at walang makakapagpigil sa kasikatang yan. Ngunit may mga decision tayo sa buhay na minsan ay kailangang maging wais din ang isang artista. Gaya na lang ng mga artistang ito na sobrang sikat noon, ordinaryo na lang ngayon!

Nararapat lamang na maging maingat daw ang isang tao sa kaniyang mga desisyon sa buhay upang hindi mapunta sa wala ang mga bagay na pinaghirapang makuha.

Walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat nauubos, lahat nawawala. Kagandahan, kayamanan – ang mga bagay na ito ay mawawala rin o ‘di kaya ay mauubos.

Maging ang kasikatan ng isang artista ay mawawala rin. Hindi panghabambuhay ang pagiging popular nila. At minsan, kailangan pa raw nilang humingi ng tulong sa iba pang artista upang makalabas muli sa mga telebisyon o sa pinilakang tabing.

Kilalanin ang mga artistang di-umano ay naghihirap na at humihingi na ng tulong sa kapwa nila artista.

Kilala rati bilang si Rustom Cariño Padilla, ang kasalukuyan nang transgender na si BB Gandanghari ay naging isang aktor at direktor noon. At ayon daw sa kaniyang kapatid na si Robin Padilla, si BB ay isa na raw “UBER” driver ngayon sa Amerika. Well, ang pagiging isang uber driver ay marangal na trabaho. Hawak mo ang iyong oras at higit sa lahat tahimik ang buhay mo. Ito marahil ang gusto ni BB Gandanghari, ang tahimik at masayang buhay na malayo sa showbiz.

BB Gandanghari's 50th birthday photo shocks netizens | Philstar.com

Source: ABS CBN


Isa namang sikat na aktres noong dekada ’80 si Deborah Sun. Taong 2015 nang gumamit ng ipinagbabawal na gamot si Deborah. Ayon sa isang interview, kaya raw siya gumamit ay dahil sa hirap ng buhay. Tuluyan na raw siyang nawala sa landas nang masangkot sa ilegal na droga na siyang nagpabago nang husto sa kaniyang buhay. 

Dating artista at anak nito, huli sa buy-bust sa Quezon City ...

Source : PEP


Si Mystica naman ay isang sikat na mang-aawit noong kapanahunan niya. Lumikha siya ng mga magagandang awitin at kumikita raw noon ng Php 150,000 buwan-buwan. Nagkaroon din daw siya ng hotel at iba pang ari-arian tulad ng mga sasakyan. Subalit, ang lahat daw ng ito ay naglaho nang parang bula. Dahil daw rito, humihingi na siya ng tulong sa iba pang artista. 

 READ : P*tang Ina daw si President Du30 sabi ni Mystica!!

ALSO READ : Mystica Galit na Galit Kay Francis Leo Marcos

Sa kasalukuyan, bali balita na bayaran “Raw” si Mystica ngayon ng kalaban sa politika ni Du30, kaya kung makabatikos ito wagas! Trending si Mystica ngayon at marami ang galit sa kanyang bunganga. Lahat inaaway at hindi nakaligtas ang Bilyonaryong si Francis Leo Marcos.

Dating kilala bilang si Charice Pempengco, sumikat si Jake Zyrus hindi lamang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa international scene dahil sa kaniyang galing at talento sa pagkanta. Dahil sa nag-out siya bilang isang “transman,” at ayon sa ilang mga reports, sumailalim sa isang mamahaling operasyon. Matapos nito ay nabaon daw siya sa napakaraming utang. Nawala na rin daw ang mga naioundar na ari-arian ni Zyrus. 

 Source: TrendPH.com


Patunay lamang daw ang mga ito na ang kasikatan ay hindi panghabambuhay. Nararapat lamang na maging maingat daw ang isang tao sa kaniyang mga desisyon sa buhay upang hindi mapunta sa wala ang mga bagay na pinaghirapang makuha.

Maging wais tayo sa buhay. Marapat lang na mag ipon, makibagay at wag padalos dalos sa mga disisyon sa buhay.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here