Wow, 13 Years Old lang si Awra may 2 storey house na!

0
396

Sa edad na 15 na taong gulang ay di na din maitago ang mga naipon ni Awra habang pausbong pa lamang ang kanyang karera sa showbiz

.

Si McNeal Briguela o mas kilala bilang si Awra ay sumikat bilang Mac Mac sa ating sinusubaybayan gabi gabi sa ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano. Siya daw ay personal na pinili ni Coco Martin para sa nasabing teleserye.

Si Awra ay sumikat din bilang isang magaling na artista dahil sa kanyang ginanapan sa Maalaala Mo Kaya noong 2016.

Ang pagiging b4kla ni Awra ay nagsimula noong siya ay 3 years old pa lamang. Mahilig daw nyang gayahin sila Sarah Geronimo, Sarah Lahbati at ang kanyang idolo na si Majah Salvador na siyang naging co-host nya din sa teleserye na Ang Probinsyano.

At kung hindi ninyo naitatanong, nakapag uwi si Awra ng 3rd Aral Parangal Awards para sa pagiging Best Child Performer na kung saan ay dalawang beses nyang nakamit ang ganitong  karangalan dahil na din sa mga sinalihan nyang mga primetime series.

Si Vice Ganda ang tumayo bilang isang nanay nanayan ni Awra kaya naman ay napabilang din sya sa mga naging pelikula ni Vice tulad ng Super Parental Guardians na sya namang naging matagumpay sa idinaraos taon taon na Metro Manila Film Festival.

Sa edad na 15 na taong gulang ay di na din maitago ang mga naipon ni Awra habang pausbong pa lamang ang kanyang karera sa showbiz. Sa murang edad ay nakapagpundar na siya ng isang magarang bahay sa Las Piñas City.

Ipinapakita sa video at mga litrato ang mga kuha mula sa bagong bahay ni Awra. Magmula sa Living Room, Dining at Kitchen Area, Comfort room at ang kanyang mga Bedrooms ay talaga namang mapapahanga ka sa ganda ng disenyo nito.

Pagpalain ka pa nawa Awra at sana ay hindi ka magbago.

.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here