Masakit ang ulo? Makakatulong ang pag-alam tungkol sa iba’t-ibang sanhi, uri, pati na din ang mga solusyon laban dito!
Pangkaraniwan ang makaramdam ng sakit ng ulo o headache. Pero ano nga ba ito at ano ang dapat gawin para agad itong malunasan? Para sa tamang aksyon at panggagamot, importanteng malaman kung ano ang maaaring nagdulot ng iyong sakit ng ulo.
Mga Sanhi o Causes ng Sakit ng Ulo
Mahalagang malaman na ang ‘sakit ng ulo’ ay ang pangkalahatang tawag sa anumang kirot o discomfort na nararamdaman sa alinmang bahagi ng ulo. Hindi ito iisang kundisyon lang. May iba’t-ibang uri at may iba’t-ibang sanhi na iba-iba din ang katapat na lunas.
Iba-iba din ang lebel ng sakit na maaaring maramdaman. Maaari itong mild o banayad lamang, at maaari din namang intense o malala at nakamimilipit na. Mild man o intense, hindi dapat pinatatagal ang sakit ng ulo. Para mabigay ang epektibo’t nararapat na lunas, mahalagang malaman muna ang sanhi nito.
Mga Uri ng Sakit ng Ulo
Ayon sa mga eksperto, may higit 150 na uri ng sakit ng ulo. Ang mga sumusunod ay ilan lang sa mga karaniwan:
Stress o Tension Headaches
Madalas na nararanasan ng mga kababaihan na 20 taon pataas. Ang mga maaaring sanhi ay stress, maling posture, pagod, depression at anxiety. Ang sakit ay mailalarawan na parang may mahigpit na band na nakabalot o nakapulupot sa ulo. Dulot ito ng paghihigpit ng mga muscles sa leeg at sa anit. Karaniwang nagtatagal ang tension headache ng ilang minuto, ngunit maaari ding umabot ng ilang araw. Heto ang mga sintomas:
- Neck and shoulder stiffness o paninigas ng leeg at mga balikat
- Scalp tenderness
- Pressure sa noo na maaaring umabot sa gilid at likuran ng ulo
Ang pag-inom ng gamot o pain reliever ay makakapagbigay ng agarang ginhawa mula sa stress o tension headache.
Cluster Headaches
Ang cluster headaches ay may kasamang panghahapdi na mararamdaman sa paligid ng mga mata. Ang pagkirot na ito ay dulot ng pag-dilate o paglaki ng mga blood vessels na nagsusupply ng dugo sa utak at sa mukha. Usapin pa din ng mga eksperto kung ano ang tunay na sanhi ng cluster headaches. Sa ngayon, ang pinaniniwalaang epekto ito ng hormonal changes sa katawan.
Hindi kasing common ng tension headaches ang cluster headaches, ngunit apektado nito ang mga kalalakihang may edad 20 hanggang 40. Maaaring magtagal ang headache mula 15 minutes hanggang 3 oras, at maaari ding itong magpabalik balik ng ilang araw.
Para sa ginhawa mula sa kirot na kasama ng cluster headaches, mainam ang oxygen therapy (o ang paggamit ng extra oxygen) at prescription medicines mula sa mga doktor.
Migraines
Kadalasang nasa isang side ng ulo at may kasamang throbbing o pagtibok ang migraines. May ilang uri din ito tulad ng chronic migraine (na pabalik-balik ng higit 15 na araw kada buwan) at hemiplegic migraine (na may mga sintomas na maihahalintulad sa mga sintomas ng stroke). Tulad sa cluster headaches, hindi din tukoy kung ano ang pangunahing sanhi ng migraines pero kadikit nito iba-ibang triggers tulad ng hormonal changes, stress, ilang pagkain at inumin (tulad ng kape), at environmental factors (tulad ng ingay at maliliwanag na ilaw). Ang mga usual na sintomas ng migraine ay ang mga sumusunod:
- Throbbing pain
- Kirot sa isang bahagi lang ng ulo
- Nausea
- Pagiging sensitibo sa ilaw at ingay
- Pagsusuka
Tulad sa tension headaches, makakatulong din ang pag-inom ng pain relievers kontra sa migraine. Kapag ito ay hindi umepekto o hindi nawala ang kirot, mabuting magpatingin o kumunsulta na sa doktor.
Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor
May mga sakit ng ulo na gumagaling sa pag-inom ng gamot, at may ilan naman na kailangang i-konsulta sa doktor. Kailan dapat magpatingin? Kapag paulit-ulit na ang sakit ng ulo at hindi mawari kung anong uri ito ng headache. Gamit ang ilang tests, matutulungan ka ng doktor na maintindihan ang problemang headache. Malalaman kung ano ang nagdudulot nito at kung ano ang tamang treatment para dito.
Tandaan na dapat nang magpatingin sa doktor kapag ang sakit ng ulo ay may kasamang ibang sintomas tulad ng mga sumusunod:
- Drowsiness o pagiging antukin
- Fever
- Pagsusuka
- Pamamanhid ng mukha
- Panghihina lalo sa mga braso’t mga paa
- Pagkalito
- Apektadong senses tulad ng kawalan ng panlasa o pang-amoy
Uminom ng Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte)
Para sa nakakaranas ng mild to moderate na lebel ng pananakit ng ulo, makakatulong ang pag-inom ng gamot. Banatan ang sakit ng ulo gamit ang Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte)! Ito rin ay nagbibigay ginhawa sa iba pang sakit tulad ng binat, sakit ng katawan at lagnat. Mabibili ang Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte) sa leading drugstores nationwide sa halagang Php5 SRP kada tableta.
IF SYMPTOMS PERSIST, CONSULT YOUR DOCTOR
Sources:
https://www.unilab.com.ph/rexidol-forte/articles/articles/sakit-ng-ulo-alamin-ang-ibat-ibang-sanhi-uri-at-gamot-para-dito
https://www.medicalnewstoday.com/articles/73936#:~:text=Headaches%20are%20a%20common%20h
https://www.healthline.com/health/headache
https://www.healthline.com/health/headache/types-of-headaches
https://meridienresearch.net/pain-head-150-types-headaches/
https://www.healthline.com/health/cluster-headache#causes
https://www.medicalnewstoday.com/articles/148373