Notice: Function register_block_script_handle was called incorrectly. The asset file (/www/wwwroot/ask2use.com/wp-content/plugins/seo-by-rank-math/includes/modules/schema/blocks/faq/assets/js/index.asset.php) for the "editorScript" defined in "rank-math/faq-block" block definition is missing. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 5.5.0.) in /www/wwwroot/ask2use.com/wp-includes/functions.php on line 6031

Notice: Function register_block_script_handle was called incorrectly. The asset file (/www/wwwroot/ask2use.com/wp-content/plugins/seo-by-rank-math/includes/modules/schema/blocks/howto/assets/js/index.asset.php) for the "editorScript" defined in "rank-math/howto-block" block definition is missing. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 5.5.0.) in /www/wwwroot/ask2use.com/wp-includes/functions.php on line 6031

Notice: Function register_block_script_handle was called incorrectly. The asset file (/www/wwwroot/ask2use.com/wp-content/plugins/seo-by-rank-math/includes/modules/schema/blocks/schema/assets/js/index.asset.php) for the "editorScript" defined in "rank-math/rich-snippet" block definition is missing. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 5.5.0.) in /www/wwwroot/ask2use.com/wp-includes/functions.php on line 6031
16 na pagkain na mga bawal sa buntis at makagpalaglag

16 na pagkain na mga bawal sa buntis

Alam mo bang may mga pampalaglag na pagkain na nagiging dahilan ng pagkakunan or miscarriage? Alamin kung ano ang mga ito.

“The scare is real,” sabi nga ng iba. Nakakatakot ang katotohanan na posible pa ring magkaron ng miscarriage o pagkalaglag. Lalo na sa unang trimester ng pagbubuntis. May mga ilang dahilan na maaaring maging sanhi nito tulad ng mga genetic abnormalities.

Wala nga bang magagawa para maiwasan ito?

May mga research na nagsasabing may mga pampalaglag na pagkain na mga bawal sa buntis.

Ang pagbubuntis ay isang sensitibong panahon para sa isang babae. Dalawa ang dapat alagaan at pag-ingatan. Ang ina at ang baby. Kaya naman dapat pag-aralang mabuti kung ano ang dapat at hindi dapat kainin sa loob ng 9 na buwan.

Ang food intake ng mga nagbubuntis ay importanteng tutukan. Para maiwasan ang anumang komplikasyon o problema na makakaapekto kay baby. May mga pagkain na nakakapagpalaglag na dapat ay kakaunti lang ang pag-konsumo. Mayroon ding dapat nang iwasan ng tuluyan.

Ano nga ba ang mga pagkaing maaaring maging sanhi ng pagkalaglag. At mga dapat iwasan ng mga buntis? Ayon sa librong What to Eat When You’re Pregnant, narito ang listahan.

Ano nga ba ang mga Pagkain na bawal sa buntis?

13 na pampalaglag na pagkain na dapat iwasan

1. Paté at soft cheese, cold cuts at salmon

lam mo bang may mga pampalaglag na pagkain na nagiging dahilan ng miscarriage? Alamin kung ano ang mga ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga pagkain at inuming dapat iwasan ng mga buntis.
  • Ang epekto ng mga pagkaing ito sa buntis at dinadala niyang sanggol.

“The scare is real,” sabi nga ng iba. Nakakatakot ang katotohanan na posible pa ring magkaron ng miscarriage o pagkalaglag. Lalo na sa unang trimester ng pagbubuntis. May mga ilang dahilan na maaaring maging sanhi nito tulad ng mga genetic abnormalities.

Wala nga bang magagawa para maiwasan ito?

May mga research na nagsasabing may mga pampalaglag na pagkain na mga bawal sa buntis.

Ang pagbubuntis ay isang sensitibong panahon para sa isang babae. Dalawa ang dapat alagaan at pag-ingatan. Ang ina at ang baby. Kaya naman dapat pag-aralang mabuti kung ano ang dapat at hindi dapat kainin sa loob ng 9 na buwan.

Ang food intake ng mga nagbubuntis ay importanteng tutukan. Para maiwasan ang anumang komplikasyon o problema na makakaapekto kay baby. May mga pagkain na nakakapagpalaglag na dapat ay kakaunti lang ang pag-konsumo. Mayroon ding dapat nang iwasan ng tuluyan.

Ano nga ba ang mga pagkaing maaaring maging sanhi ng pagkalaglag. At mga dapat iwasan ng mga buntis? Ayon sa librong What to Eat When You’re Pregnant, narito ang listahan.

13 na pampalaglag na pagkain na dapat iwasan

1. Paté at soft cheese, cold cuts at salmon

Ang listeria ay isang bacteria na tinuturing na mapanganib. Ayon sa mga pag-aaral, ang listeria ay nasa mga cold deli meats at smoked salmon. Kaya pinapaiwas din sa mga pagkaing ito ang mga nagbubuntis. Lalo na sa unang trimester.

Listeria ang nagdudulot ng impeksiyon na listeriosis. Nagiging sanhi ng meningitis, labis na pananakit ng ulo at panginginig.

Mga dapat iwasan:

  • Ang mga keso tulad ng Brie, Camembert, Feta, Roquefort, Ricotta, at Queso Fresco ay ang mga halimbawa ng soft cheeses na dapat iwasan. Bagama’t mas ligtas daw kapag niluto o ininit kung ilalagay sa lasagna o pasta.
  • Ang mga keso na makikita sa mga organic at green markets ay karaniwang gawa gamit ang raw milk o unpasturized, kaya dapat iwasan.
  • Ang mga unpasturized food tulad ng freshly-squeezed juice ay pinagbabahayan din ng listeria, na nagdudulot ng panganib sa fetus.
  • Mabilis na binabahayan din ng bacteria ang mga gulay at prutas na hindi nahuhugasan, pati na ang freshly squeezed orange juice, dahil unpasteurized juice ito na maaring maging pampalaglag na inumin.
  • Pinamamahayan din ng listeria ang mga processed meats tulad ng hot dogs, sausages, at deli meats, bagamat mas ligtas daw kapag ininit o niluto sa higit sa 160 degrees F bago kainin.

2. Ampalaya

Masustansiya at puno ng nutrients ang gulay na ito, lalo na at may taglay na zinc, magnesium, potassium, iron at vitamin B, kaya’t aakalain mong hindi ito bawal sa buntis.

Ang problema daw ay sanhi ito ng uterine contractions, ayon sa mga pagsasaliksik, at nakakapagpadugo. Mayron kasi itong vicine, na sumisira sa red blood cells kaya’t nagkakaron ng anemia, na delikado para sa mga nagbubuntis. Mas mabuting iwasan ang pagkain ng marami nito, lalo sa una at huling trimester.

3. Pagkaing nakakapagpainit ng katawan

pampalaglag-na-pagkain Image: Pexels

Mga pagkain tulad ng papaya, pinya, peaches, at luya ay nakakapagpainit ng katawan, na nagiging sanhi ng uterine contractions, at pag hindi naagapan ay pagkalaglag ng bata sa sinapupunan.

Walang lubusang ebidensiya ng direktang koneksiyon ng mga pagkaing “heat-inducing” sa pagkalaglag, pero walang masama kung iiwasan ito para hindi malagay sa panganib ang pagbubuntis.

Kapag kasi nakakapagpainit ng katawan ang pagkain, maaaring makasama sa panunaw o digestion, at magkaron ng negatibong epekto ito sa katawan ng isang buntis. Hindi lubusang nakasasama, pero ang anumang sobra ay hindi makakabuti.

Kung minsan lang at kaunti lang naman, makabubuti din naman ang mga prutas tulad ng pinya at papaya. Huwag lang araw araw o sobrang dami.

4. Hilaw o hindi masyadong naluto na itlog

Pinamamahayan kasi ng salmonella ang hilaw na itlog, na maaaring maging sanhi ng food poisoning, diarrhea, abdominal pain, lagnat, at nausea, na maaaring maging dahilan ng pagkalaglag. Siguraduhing lutong luto ng itlog na kakainin.

Tandaan din na may hilaw na itlog ang Hollandaise Sauce, mayonnaise at Caesar Salad Dressing.

5. Hilaw na vegetable sprouts tulad ng togue, radish, alfalfa at iba pa

Masarap ang mga ito sa salad at appetizer, pero isa ito sa mga bawal sa buntis.

Ang togue at alfalfa, halimbawa ay may taglay na e-coli, na mapupunta sa salmonella poisoning. Mahina kasi ang immune system ng mga nagbubuntis, kaya’t mas bukas sa mga impeksiyon at komplikasyon, na maaaring magdala ng panganib na pagkalaglag. Direkta ang epekto nito sa sanggol sa sinapupunan, kaya’t delikado.

6. Mga pampalaglag na inumin gaya ng herbal tea

pampalaglag na pagkain

Flower photo created by 8photo – www.freepik.com

May mga sangkap ang herbal tea at iba pang natural supplements na mga bawal sa buntis. May mga herbs na nakakapag-stimulate ng uterine contraction tulad ng:

  • chamomile
  • comfrey
  • goldenseal
  • lemongrass
  • licorice root
  • mugwort
  • rosemary
  • sage
  • stinging nettle leaf
  • yarrow

7. Processes na junk food o chichirya

Kasama na rin ang mga fast-food variants.

Ayon sa mga siyentipiko, may panganib na dulot ang mga junk food at fast food dahil may taglay itong mataas na lebel ng trans fats at hydrogenated fats na masama sa batang ipinagbubuntis.

Kailangang iwasan ang anumang pagkain na mataas ang salt at fat contents.

8. Sesame seeds

Sinasabing delikado, lalo na kapag hinalo ang sesame seeds sa honey, ayon sa mga medical experts.

Mataas ang posibilidad ng spontaneous abortion at miscarriage kapag kumain ng maraming sesame seeds, na nakakapagpainit at nakakapagpasakit ng tiyan at abdomen, bagamat ang epektong negatibo ay kapag nga lang sobrang dami ng nakain.

BASAHIN:

STUDY: Pag-inom ng kape ng buntis, maaaring makaapekto sa unborn child

13 beauty products na bawal sa buntis

#AskDok: Ano ang mga dahilan ng miscarriage at may paraan ba kung paano ito maiiwasan?

9. Isdang mataas ang mercury content

Ang mercury ay isang “highly toxic element” at madalas ay matatagpuan sa tubig na polluted. Kapag nakonsumo ng madamihan, magiging lason ito sa nervous system, immune system at kidneys, at magiging sanhi ng malubhang developmental problems sa sanggol, kung nagbubuntis. (1) Dapat limitahan ng mga nagbubuntis ang pagkain ng high-mercury fish sa 1 hanggang 2 servings kada buwan: pating, swordfish, King mackerel, tuna.

10. Hilaw o hindi lutong isda, tulad ng sushi, at shellfish

Mga hilaw na isda, lalo na shellfish (halimbawa ay talangka at alimango), ay maaaring maging sanhi ng impeksiyon, dahil pinamamahayan ng mga bacteria, tulad na nga ng listeria. Ilang impeksiyon ay karaniwang nakakaapekto sa nanay lamang, na dahilan ng panghihina dahil na rin sa dehydration. May mga impeksiyon din na naipapasa sa sanggol, at maaaring lubhang mapanganib sa buhay nito. Bagamat ang alimango ay mayaman sa calcium na kailangan ng buntis, mataas din ang cholesterol nito, na sanhi ng “shrinkage” o pagliit ng uterus at pagdurugo, at pagkalaglag kapag hindi naagapan.

11. Organ Meat o lamang loob ng hayop

pampalaglag na pagkain

Food photo created by jcomp – www.freepik.com

Bagamat mayaman sa nutrients ang organ meat o lamang loob ng baboy, baka o manok, halimbawa, ang anumang sobra ay makasasama din. Ang organ meat tulad ng bituka, balun-balunan, at atay, ay mayaman sa iron, vitamin B12, vitamin A at copper, na makabubuti sa isang nagbubuntis. Ang dapat lang iwasan sa mga ito ay ang vitamin A, kapag nagbubuntis. Maski ang vitamin supplements ay hindi binibigay sa mga buntis dahil ang labis na pag-konsumo ng bitaminang ito sa katawan ay nagdadala ng panganib sa mag-ina. Nananatili kasi ito sa atay, at bagamat makabubuti ito sa puso, atay, baga, mata at buto, hindi makabubuti ang pagkonsumo nito (ng malalaking dosage) sa pagbubuntis dahil maaaring maging sanhi ng birth defect, pagkasira ng atay at pagkalaglag ng bata. Hanggang isa o dalawang beses lang ang ligtas na pag-konsumo nito kada buwan, at hindi hihigit pa. 

12. Katas ng Aloe Vera

Madaming mabuting benepisyo ang halamang gamot na ito, pero para sa mga nagbubuntis, isa itong pampalaglag na pagkain. Mayron kasi itong taglay na anthraquinones, isang uri ng laxative na dahilan ng uterine contractions at pelvic bleeding. Wala namang problema kung gagamitin ang katas nito sa balat para gamutin ang sugat, taghiyawat, at rashes, dahil sa labas lang ito at hindi papasok sa sistema. Ang pag-inom o pagkain nito ang makakasama.

13. Spices

pampalaglag na pagkain Image: PexelsNapapasarap ng mga spices ang ating nilulutong ulam, at marami din itong sustansiyang dulot sa katawan. Pero ang mga spices tulad ng fenugreek, asafoetida, bawang, angelica, at peppermint ay dapat iwasan kapag nagbubuntis. Sapagkat nakakapagpa-stimulate ng uterus, na sanhi ng contractions, at puwedeng mapunta sa pagkalaglag o premature delivery. Mayroon kasi itong taglay na potent substances na nakakapagpanipis o labnaw ng dugo, at sanhi ng pagdurugo habang nagbubuntis.

14. Alimango

Bagamat ang crabs o alimango ay good source of calcium, ito naman ay nagtataglay ng mataas na level ng cholesterol. Ang mataas na level na cholesterol ay maaring magdulot ng shrinkage ng uterus na maaring mauwi sa internal bleeding at miscarriage.

15. Caffeine

Ayon sa mga pag-aaral, ang pag-inom ng kape na may moderasyon sa panahon ng pagbubuntis ay ligtas. Ngunit kung maari ay mas mabuting tigilan na muna ang pag-inom nito. Dahil ang increase level ng caffeine sa pagbubuntis ay maaring mauwi sa miscarriage o underweight na sanggol. Maliban sa inuming kape, ang caffeine ay present rin sa tsaa, chocolate at iba pang energy drinks.

16. Alkohol

Ang pag-inom ng alkohol habang nagbubuntis ay maaring makaapekto sa brain development ng isang sanggol. Ito rin ay nagpapataas ng tiyansa ng miscarriage at stillbirth sa buntis. May posibilidad rin na ang isang sanggol na may inang umiinom ng alak habang siya ay ipinagbubuntis ay maaring ipinganak na may facial deformities, heart defects at intellectual disabilities. Walang mawawala sa iyo kung mag-iingat at magiging masusi sa pagpili ng kakainin kapag nagbubuntis at iwasan ang pampalaglag na pagkain. Dapat din kasing mapanatiling balanse ang sustansiya kapag buntis dahil may dinadalang bata. Kung makakaiwas naman sa mga pagkaing ito, bakit ba hindi? Kaysa malagay sa panganib ang sariling kalusugan at ang kaligtasan ng sanggol na dinadala. “Moderation is the key” ika nga. Anumang labis, buntis man o hindi, ay makakasama sa kalusugan, kaya’t hinay hinay lang.

Source: https://ph.theasianparent.com/pampalaglag-na-pagkain

Scroll to Top