Hulaan ko ang problema mo ngayon: Hindi ka pa naman nalilipasan ng buwanang dalaw mo. Pero alam mo sa sarili mo na may kakaiba sayo ngayon. Maliban sa pagkawala ng iyong buwanang dalaw, may iba pa bang paraan upang malaman na ikaw ay buntis?
Buntis ka nga ba o hindi? Upang malaman ang kasagutan, mas mainam na pag-aralan ang sumusunod na sintomas ng buntis.
Sintomas ng Buntis:
Namamagang suso
Isa sa nangungunang sintomas ng pagbubuntis ay ang pamamaga at paminsan minsang pagsakit ng suso. Marahil maramdaman mo na parang mas mabigat ang dibdib mo kung ikukumpara noong isang buwan. Ito ay sanhi ng pagtaas ng hormone na kung tawagin ay progesterone, hormone na pambabae na unang unang tumataas kapag buntis ang isa. Ang hormone na ito ang dahilan kung bakit lumalaki ang dibdib ng isa na nagdadalaga.
Kung nakakaranas ka nito, mas mainam na magsuot ng mas maluwang na bra upang maiwasan ang di kinakailangang pagsakit.
Pagkahapo
Kung hindi ka sanay na umidlip tuwing hapon at bigla kang naghahanap ng oras para maidlip ngayon, malamang na buntis ka. Ito ay dahil sa biglang pagbugso ng progesterone na nagiging sanhi ng pagkahapo o fatigue. Mas makabubuti saiyo ang pagtulog ng maaga sa gabi at mag skedyul ng oras para sa pag papahinga tuwing hapon.
Pagbabago-bago ng mood
Naaalala mo ba ang pakiramdam kapag ikaw ay dinadatnan buwan-buwan? Kung ikaw ay buntis, ang pagbabago-bago ng iyong mood ay magiging permanante sa iyo sa loob ng siyam na buwan! Kung ikaw nagbubuntis sa kaunaunahang pagkakataon, malamang na ikaw ay nababalisa kung naiisip mo na ikaw ay magiging magulang na. Kahit na ito ay naplano, marahil na makakaramdam ka parin ng maraming takot na dala ng iyong pagbuntis.
Ang pagkahapo at gutom ay maaring magpalala ng sitwasyon. Iminumungkahi ng mga eksperto ang pagkakaroon ng sapat na pahinga at pagkain ng paunti-unti sa buong araw.
Pakiramdam na parang magaan ang ulo
Ilan sa mga kababaihan an nakakaramdam ng pagkahilo sa unang mga buwan ng pagbubuntis. Ito ay sanhi ng mga hormones o di kaya naman ng low blood pressure o low blood sugar.
Alin man sa mga ito ang nararamdaman mo, mas makabubuting sumangguni sa doktor upang malaman mo kung ano ang dapat mong gawin.
Pagkalula at pagsusuka
Ang pagkalula at pagsusuka ay kadalasan sa sa unang mga buwan ng pagbubuntis. Asahan mong lalala ito pagsapit mo ng ika 7 hanggang ika 9 na buwan.
Ang pagkain ng maprotinang pagkain at pag inom ng maraming tubig ay makatutulong sayo na maiwasan ang pagsakit ng tiyan at dehydration. Ang pagkalula at pagsusuka ay kadalasan ng naalis pag kalipas ng 12 linggo ng pagbubuntis.
Pagkasuya sa ilang uri ng pagkain
Hindi mob a matiis ang amoy ng ginigisang bawang sa kusina ng iyong kapitbahay? Marahil ay buntis ka nga. Karamihan sa mg babaing nagbubuntis na magkaroon ng di pangkaraniwang talas ng pag-amoy. Ang iba naman ay nagnanasa sa mga pagkain na hindi pangkaraniwan.
Kung ito ang iyong sitwasyon, mas mainam na kumunsulta ka sa iyong doctor para masabi niya saiyo ang mga supplement na kailangan sakaling ayaw mong kumain ng karaniwang pagkain na nakahain sa inyong hapag.
Mas madalas na pag-ihi
Ang iyong kidney ay nag tatrabaho ng higit sa panahon ng iyong pagbubuntis. Kaya naman ikaw ay ihi ng ihi. Ang iyong matris ay lumalaki kaya napupwersa ang iyong pantog maya’t maya. Ang ilan sa mga babae na hindi alam na sila pala ay buntis ay nag-aalala na baka sila ay may bladder infection.
Ikaw ba ay ihi ng ihi? ‘Wag na ‘wag mong babawasan ang iniinom mo. Ito ang panahon na kailangang kailangan mo ng tubig.
Cramping at spotting
Ang paghilab ng tiyan at ang patak ng dugo sa iyong underwear ay malamng na patunay na ang iyong itlog na pertilisa ay kumapit na sa bahay bata. Huwag kang mag-alala sapagkat kadalasan, ito ay normal. Ito ay maaring umabot hanggang sa ikaanim o ika-pitong lingo. Kung ito and sitwasyon mo, malamang na kailanganin mo ang pagsangguni sa doktor para makita sa ultrasound na tama ang pag-develop ng iyong sanggol.
Ang maga iyan ay ilan lamang sa mga sintomas ng buntis na kadalasang nararamdaman ng mga kababaihan. Dapat na unawain na ang iba-iba ang sitwasyon ng mga indibidwal kaya maaaring iba-iba rin naman ang mga sintomas ng pagbubuntis. Ito ay guide lamang.
Di tulad ng saloobin ng ilan, ang pagbubuntis at ang pagkakaroon ng anak ay regalo mula sa Diyos. Ang wastong pangangalaga sa iyong di pa naisisilang na anak ay patunay napinahahalagahan mo ang isang napakahalaga at namumukod tanganing pamana.
Alam mo ba?
Ang mga sintomas ng pagbubuntis ay mararanasan mo lamang kapag buo na ang embryo sa matris mo. Kaya kung may dahilan na isiping buntis ka, isipin mo na na buntis ka nga at alagaan mo ang sarili mo, bago mo pa man mapansin ang maaagang mga sintomas ng pagbubuntis
Mga sintomas ng buntis: kailan ko mararamdaman ang mga sintomas?
Ang totoo ay napaka-kaunti pa lamang ang mga pag-aaral ang naisasagawa kung tungkol sa kung kailan dapat maramdaman ang mga sintomas ng pagbubuntis. Ilang mga babae ang nagsasabi na nararanasan na nila ang unang pagpitik sa kanilang tiyan sa una o ikalawang linggo pa lamang ng kanilang pagbuntis. Ang iba naman ay hindi talaga nakakaranas ng anumang mga pagbabago sa loob ng ilang linggo.
Sa isang pinaka mahusay na pag-aaral tungkol sa paksang ito, 136 na mga kababaihang gustong mabuntis ang nagtala ng kanilang pang-araw araw na mga sintomas mula ng huminto sila sa paggamit ng birth control hanggang sa ika-walong linggo ng kanilang pagbubuntis. Ano ang resulta?
- 50 posyento ang nagkaroon ng mga sintomas sa ika-5 linggo ng pagbubuntis.
- 70 porsyento ang nakaranas ng mga sintomas sa ika-6 na linggo
- 90 porsyento ang nakaranas ng mga sintomas sa ika-7 na linggo
Ang kauna-unahang sintomas ng pagbubuntis na posibleng maranasan mo ay ang hindi pagdating ng regla. Ang susunod na pangkaraniwang mga sintomas ay ang pagkahilo, pagsusuka, fatigue, madalas na pag-ihi, pananakit at pamamaga ng dibdib. Ang mga sintomas na ito ay malamang na banayad o malala.
Ang pakiramdam mo sa ikalawang linggo
Ang iyong huling regla ay dapat nagsimula na dalawang linggo na ang nakalipas. Base sa pagbibilang ng mga doktor sa mga linggo ng pagbubuntis, ang iyong ikalawang linggo ay ang panahon kung kailan ka nag oovulate at posibleng mabuntis. Ang mga sintomas na nararamdaman mo ngayon ay dala lamang ng iyong normal na siklo.
Sintomas ng buntis sa ikatlong linggo
Kung ang iyong itlog ay maluwalhating na pertilisa ng semilya ng lalaki, ito ay daraan sa proseso na kung tawagin ay cell devision habang ito ay kumikilos pababa ng fallopian tube papuntang matris. Sa matris, ito ay didikit sa lining sa proseso na tinatawag na implantation.
Karamihan sa mga babae ay hindi gaanongnakararamdam ng kakaiba sa ikatlong linggo, pero ang ilan ay nakararanas ng kaunting implantation spotting, o ng iba pang maagang sintomas ng buntis tulad ng pagkahapo, masakit na suso, pagkahilo, mas maselang pang-amoy, pagiging mapamili sa pagkain, madalas na pag-ihi.
Mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-apat na linggo
Sa normal na kalagayan nagkakaroon ka ng regla apat na linggo mula ng simula ng huling regla mo, pero kung buntis ka, isang malinaw na palatandaan ng pagbubuntis kung hindi ka na abutan ngayon. Maraming mga babae ang hindi pa nakararamdam ng anuman sa ika-4 na linggo. Pero may mga babae naman na nagsasabi na nakararanas sila ng pamamaga ng suso, fatigue, madalas na pag-ihi at pagkahilo. Mahigit kumulang isang katlo ng mga kababaihan ang nakararanas ng pagkahilo sa ika-4 na linggo ng pagbubuntis.
Sintomas ng buntis sa ika-5 linggo
Habang mabilis na lumalaki sa baby sa matris mo. Mas napapansin mo na siguro ngayon ang mga kahirapan na dala ng pagbubuntis, kasama na ang pagkahapo, masakit at namamagang suso, pagkahilo at madalas na pagbisita sa banyo.
Palatandaan ng pagdadalang tao sa ika-6 linggo
Para sa maraming mga buntis, ang morning sickness o pagkahilo at pagsusuka tuwing umaga ay nagsisimula sa ika-6 hanggang ika-8 na linggo. Malamang na nakararanas ka rin ng matinding pagkapagod at pagbabago-bago ng mood, na malamang na dahil sa mga pagbabago sa iyong mga hormones at sa stress na dala ng kaiisip kung ano ang mangyayari sa iyong pagbubuntis.
Mahigit 25 porsyento ng mga kababaihan ang nakararanas ng spotting sa maagang yugto ng kanilang pagbubuntis. Bagaman wala naming dapat ipangamba dito, mas makabubuting sumangguni ka sa doktor mo para makatiyak ka na wala talagang problema.
Sintomas ng buntis sa ika-7 linggo
Ito na ang tugatog ng pagsusuka mo tuwing umaga, at malamang na masisikip na mga pantalon mo. Doble na rin ang laki ng iyong matris ngayon kumpara noong ikalimang linggo mo.
Malamang na mas madalas na ang pagbisita mo sa banyo ngayon, dahil yan sa pressure sa iyong pantog na dala ng paglaki ng iyong matris at mas maraming dugo na sinasala ng mga bato.
Ang ika-8 linggo ng pagbubuntis
Ang mga pagbabago sa hormones mo ay patuloy na nagiging sanhi ng panghihina at pagkapagod, samantalang ang pagkahilo at pagsusuka ay siyang umuubos ng lakas. Masikip na ang iyong mga bra, ihinahanda na kasi ng iyong mga hormones ang iyong mga suso para sa pagpapasuso sa iyong baby. Malamang na mahirapan kang matulog kung nakasanayan mong matulog na nakadapa dahil sa pananakit ng iyong suso.
Ang iba pang mga sintomas ng buntis sa ika-8 na linggo ang ay:
- Paghilab ng matris, walang pagdurugong kasama
- Kabag
- Kahirapan sa pagdumi
- Acid sa sikmura
- Baradong ilong
- Matinding kagustuhang kumain
- Pananakit ng ulo
- Paglitaw ng mga varicose veins
- Makating palad
- Pag-itim ng ilang bahagi ng katawan tulad ng mukha, tiyan at areola
Iniisip ng mga dalubhasa na ang mga sintomas na ito, kahit na nagdadala ng kahirapan sa mga buntis, ay proteksyon pa nga sa kanila. Hinaharangan daw nito ang mga nanay na kumain ng mga pagkaing maaaring makasira sa sanggol sa kanilang sinapupunan. Pinipilit din nito ang mga buntis na humingi ng tulong at gumawa ng mga pagbabago sa kanilang lifestyle.
Gayunman, dahil sa ang unang mga sintomas ng bungtis ay hindi pa naman magpapakita hanggang sa mabuo na ang embryo, isipin mo na lamang na buntis ka at alagaan mo ang sarili mo, bago pa man maging positive ang resulta ng iyong pregnancy test.
Alam mo ba?
Ang mga sintomas ng pagbubuntis ay nararanasan ng mga nanay upang maprotektahan ang baby sa kanilang sinapupunan. Dahilan din ito para humingi sila ng tulong sa doktor at agad na baguhin ang kanilang lifestyle para sa kabutihan ng sanggol.